Natatapos nga ba ang isyung ito? Sa palagay ko ay hindi, sapagkat hindi ito nabibigyan ng solusyon.
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga basikong pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalausugan.
ANG DAHILAN:
Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Dala ng labis na kahirapan ay ito ang naging siyang tugon ng mga Pilipino uapng makaraos sa araw araw na pamumuhay. "Ang salitang kapit sa patalim" ay maiuugnay dito. Dahilan sa ang paglisan sa sariling bayan at mawalay sa pamilya ay hindi madali para sa isang kulturang kinalakihan. Narito ang ilang matitinding dahilan ng kahirapan sa Pilipinas:
CORRUPTION: Ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno.
Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan. Ito ay maituturing na kanser sa lipunan.
IMPERIALISMO: Ang pananakop ng ilang bansa noong mga nakaraang panahon tulad ng Espanya, Hapon at US na nagpahirap sa Pilipinas. Mga dayuhan na nag iwan ng mga mali o masamang impluwensiya at kultura sa bansa.
ANG EPEKTO:
Kawalan ng masaganang makakain, pagkalulong sa masamang bisyo, at kawalan ng direksiyon ng buhay.
ANG SOLUSYON:
Tanggalin ang korupsiyon sa gobyerno na siyang nagpapahirap sa mga mamamayang Pilipino. Kung wala sanang corrupt na opisyan ng gobyerno, ang budget sa iba't ibang ahensiya o kagawaran ay deretsong maitutulong sa mga tao. Halimbawa, sa edukasyon, mailalaan talaga ang pondo para sa mga kagamitan ng batang mag-aaral, kailangang mga kagamitan ng paaralan at sapat na guro. Mailalaan din sana ang pondo para sa pangkabuhayan ng mga tao upang magkaroon ng sapat na trabaho o pagkakakitaan. Kung bawat ahensiya ay aktibo sa pagtulong at tamang paggamit ng pondo hindi sana ganito kahirap ang buhay ng mga Pilipino. Halos 30% ng pondo ng bansa ay naitalang napupunta sa mga korup.
Panuorin ang dokyumentaryong ito:
No comments:
Post a Comment